Monday, February 17, 2014

ang Atlas, Si Atlas, at Ang Atlas

May dalawang kahulugan ng salitang 'atlas'.

Una, tumutukoy ito sa isang libro na naglalaman ng koleksyon ng mga mapa. (Hindi ko na siguro kailangang maglagay pa ng source kung saan ko nakuha ang depinisyon na ito ng atlas.  Kumbaga sa ganda, inborn na ang kahulugang ito para sa akin.)


Pangalawang kahulugan ng atlas ay tumutukoy sa isang tauhan sa Greek Mythology. Si Atlas. Isang Titan ng astronomiya at nabigasyon. Kung makikita mo ang rebulto nya, siya ang nag-iisang istatwa na may hawak na globo. (Salamat, wikipedia.)


Kung ako ang tatanungin, ang salitang 'atlas' ay hindi lamang isang libro o isang Titan. Ang salitang ito ay nababagay para sa mga taong 'nawawala'. Kung literal na aspeto ang pag-uusapan, bakit ba tayo nangangailangan ng atlas? Para malaman ang direksyon. O magkaroon ng ideya kung nasaan ang mga lugar sa mundo. Pero kung madrama kang tao at malalim ang pag-intindi mo sa mga bagay-bagay, ang atlas ay magpapaalala sa iyo kung NASAAN KA BANG TALAGA AT KUNG SAAN KA DAPAT NA PUMUNTA.

Warning: drama overload coming up.

Madami sa atin marahil ang nakakaramdam ng pagkawala. May mga tao na hindi alam kung paano magsisimula. May mga tao na naiiba ang landas. May hindi alam kung saan dapat sila pumunta o kung paano makakabalik sa kanilang pinanggalingan.

Naisip ko, baka kaya nagkaroon ng isang Titan na may pangalang atlas o baka kaya naimbento ang libro na naglalaman ng koleksyon ng mga mapa, (sa hindi literal na pag-unawa) ay upang sa tuwing mawawala ang isang tao, makakarating pa din sya sa dapat nyang puntahan.

Siguro parte na ng buhay ng tao na kahit na ano ang mangyari, mahahanap at mahahanap pa din nya ang kanyang sarili sa oras na mag-iba ang kanyang destinasyon sa buhay. Kailangan lang minsang ipaalala na lahat ng tao kaya at pwedeng magsimula ulit.

-K out

*salamat google images (edufina.com, maicar.com) at wikipedia

No comments:

Post a Comment